Okay pa ba bumili ng secondhand na below 2020?

Tanong ko lang sana kung okay pa ba bumili ng secondhand mga nasa 2020 or 2018 pababa? First family car sana. Although 3 pa lang kami sa ngayon, gusto sana namin marami masakay, mga 7-seaters ganun.

Ang choices ko sana:

A. Crosswind/Sportivo

B. Adventure

C. XL7

D. Xpander

Kung kaya ko lang bumili ng bnew baka mag Avanza 2024 ako. Pero kung secondhand ang bibilhin, pano kaya gagawin dun? Ano mga dapat icheck o tignan. Ang alam ko lang mag sama daw ng marunong na mekaniko kapag titignan ang unit.