Anong klaseng kamote ang pinaka-ayaw mong kasabay sa daan?

Title. Para maiwasan na rin kung subconsciously nagagawa.

Eto sakin:

  • Yung mga basta basta sumisingit sa kanan nang walang busina. Okay lang kung sa kaliwa, wag lang sa kanan.
  • Mga tricycle driver na nguso na nguso sa gitna ng intersection kapag liliko sa kaliwa nila.
  • Mga moveit riders na dumadaan sa sidewalk/bangketa para makasingit sa unahan.
  • Mga walang plaka at naka-tsinelas. Nakakainis kasi di hinuhuli ng enforcer.
  • Mga last second mag-sisignal light tapos nasa gitna na lane.

Ang mga "kamote" naman talaga ay traffic violators, kaya given na yan. Nakakabadtrip pa rin kasi sinasadya nila.