Ang dami nang riders na hindi na ito nagagawang sundin ngayon.

Mula nang mauso ang scooters na nasa harap o gitna ang fuel tank, marami na akong nao-obserbahan na di ito ginagawa while it should still be observed for safety.

Nagtanong ko minsan sa isang gasoline boy, sabi nila di na sila naninita dahil may maaangas daw na nagagalit pa pag pinababa sa motor, nasa harap naman daw ang tank nila. Baka daw mapa-away pa sila.

Idagdag pa na maraming kamote motovloggers with sizeable audience gaya ni Ned Adriano na ang bukambibig sa reviews e "nasa harap ang gas tank so di mo na kailangan tumayo".

Let's do better. Di lang while in motion tayo pwedeng maging kamote, kahit at a full stop and getting topped up sa gas station let's do what's right.