Di ko alam gagawin ko, kaya ko ba talaga?

I (m24) am thinking twice of entering med school. Di ko alam if pressured ba ako kasi yung ate ko tapos na mag school at mag boards na ng PLE this april o wala ako bilib sa sarili ko. I am an average student, sakto lang na pumapasa sa exam nung College days, palainom, may bisyo etc, bagsak nga ako sa Hema nung 3rd year and i became an irregular student. Pero will ata ni Lord pumasa ako sa MTLE last aug with a good gwa. Baka pinapasa na lang din kasi need ng maraming medtechs dito sa pinas haha.

After i took the boards i told my parents na i want to proceed to medicine like my ate, they agreed and said they have their full support. Kaya naman na daw financially since tapos na si ate. I became excited and enrolled sa nmat rev center nung nov. My exam was scheduled on feb 1 kahapon pero all this time i thought it was today feb 2, so di ako nakatake i forgot to check the date. Mag apply nalang ulet ako for May nmat exam. I thought kanina will ata ni Lord na di ako ipatake ng nmat or alam ata ni Lord na di ko kaya? I pondered kanina as in matagal mga 1 hr HAHA i asked myself if kaya ko ba talaga, Idont know what to do, baka di ko kayanin stress, nasasayangan din ako ng time. Id be 29 if magrad na sa med if ever. Feel ko ill lose the best time of my life. Pero bothered ako dito “think less of what u have to sacrifice, think more of what u will achieve”. I want to be successful pero di ako ganon katapang. Ano kaya gagawin ko?