Anong meron ka na wala kami?

Char. I mean, paano po ba kayo nakapag abroad? Curious po ako kung meron dito na nakalabas ng bansa na hindi:

  • Medical field ang industry
  • IT or STEM
  • Through petition ng parents or spouse
  • Nakapag-asawa ng AFAM

I'm just really wondering kung may ibang pathways pa ba na makalabas ng bansa kung normal corporate worker ka lang or freelancer. Or maybe change career pero hindi necessarily na mag-aaral pa ng another bachelors degree?

Medyo nawawalan na kasi ako ng pag-asa. Please be kind. I'm currently unemployed and really lost sa next step ko sa buhay. Salamat po.